Kawani ng PNP, ginisa sa youth development session sa BCT

The Spark Publication
3 min readOct 19, 2024

--

Ulat ni Stephanie Anne Rabe

Humarap sa mainit na tanungan ang Women and Children Protection Desk (WCPD) Investigator na si Police Corporal, Mary Cris Q. Campogan sa inilunsad na Youth Development Session na magkasamang inorganisa ng Philippine National Police (PNP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at pamunuan ng Brokenshire College Toril (BCT), Biyernes ng umaga, sa gymnasium ng nasabing paaralan.

PCPL, Mary Cris Q. Campogan pinangunahan ang unang bahagi ng Youth Development Session. Kuha ni Stephanie Anne Rabe

Matapos talakayin ang patungkol sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, sinalang sa nagbabagang mga tanong mula sa mga estudyante ang imbestigador.

Isa sa mga nagpainit sa sesyon ay ang tanong ni Yuri Xavier Lozada–estudyante mula sa 12-Compassion patungkol sa maaasahang proteksyon ng isang indibidwal mula sa awtoridad na “saksi” lamang ng pangyayaring may kinalaman sa droga.

“What if ma’am, ikaw ang nakakita sa drug ta’s wala kay idea or relationship with the dealer, naay law na naga-protect sa imo, Ma’am?”

Sinagot ito ni Campogan ng hakbang na maaaring gawin ng isang saksi kung saan una nitong nabanggit ang pagre-report.

“Tas what if ma’am wala jud ang dealer, like wala sa picture jud ang dealer, tas ikaw lang jud ang nakakita?” pag-uulit ni Lozada.

“Dapat i-justify nimo na dili to imoha. Kay ikaw man ang nakitaan. Naa ra sa imoha unsaon nimo pagdepensa imong sarili kay sa imoha man nakita.” sagot ni Campogan.

“Realistic lang ko diri ma’am ha, pero naa man guy ubang pulis gud ma’am kanang maglisod sila ug tuo sa imong justification, like naa ba juy law, like, naga-protect sa imoha?” tanong ulit ni Lozada na nagpahiyaw sa mga estudyante.

“Naa tay balaod kay naa pud tay constitution, nagaprotekta sa atua kay kana naa man tay katungod. Depende na na jud sa justification nimo na motuo ang pulis nga dili gyud imoha kay i-drug test man pud ka namo,” sagot ni Campogan.

Pero tila hindi pa sumakto sa banga ang sagot ni Campogan at nagtanong ulit si Lozada–siyang mas nagpainit pa sa diskusyon.

“So, giingon man nimo ang word na depende ma’am, so wala jud moy kanang himuon?” mainit na tanong nito.

Pangatwiran ni Campogan, sa korte ay mayroong karapatan ang indibidwal na depensahan ang sarili sapagkat sasailalim ito sa “due process.”

Ani pa nito, ginagawa lang ng mga pulis ang parte nilang magpresenta ng ebidensya sa korte at doon na magbabase ang korte sa hatol nito.

Inulit pa ni Lozada ang tanong at binigyang diin nito na hindi alam ng isang indibidwal na droga ito at hindi niya ito pagmamay-ari, pero nasaksihan lamang niya mula sa kasamahan ang paggamit o pagtulak.

“Maghatag ko’g situation ma’am ha, para ma-elaborate jud nako (ang point) gud ma’am.”

Sinagot naman ito ni Campogan na maaaring witness ang isang indibidwal, ngunit hindi huhulihin kaagad maliban na lamang kung mayroon itong “personal knowledge.”

“Pwede mo-serve lang ka as witness. Pero dili man na dakpan ditso sa pulis. Unless, naa gyud siya’y personal knowledge,” sagot ni Campogan.

Dagdag pa nito, hindi nila idadamay ang ibang nasa akto ng paghuli, maliban na lamang kung natiyempuhan nilang gumagamit din ang mga ito.

Nagtanong pa ng huling katanungan si Lozada kung maisasailalim ba sa “witness protection program” ang ganoong saksi.

“Depende. Dili ako ang makaingon kundi ang korte. Depende sa court” sagot naman ni Campogan.

Inulan pa ng ilang “mapambatikos” at “mapagdudang” mga tanong ang imbestigador na sinagot naman nito.

Sa tanong na may ibang pulis na nagtatanim ng droga sa kanilang mga huli upang mapagbintangan, dumepensa si Campogan na “dahilan” lamang ito sapagkat walang kriminal ang umaamin ng nagawa.

“Kanang giingon nimo na gibutang, defense na na nila kay wala may suspek na moamin sa iyang krimen nga gihimo,” ani Campogan.

Paglilinaw rin ni Campogan, hindi naman basta-bastang nasasampahan ng kaso ang mga indibidwal bagkus dumadaan pa sa proseso katulad ng “drug test” upang mapatunayang gumagamit talaga.

Sa kaso naman ng mga “tulak” o nagbebenta, puspusan ang pangangalap ng sapat na ebidensya at pagtukoy ng maaasahang mga saksi, upang mapatunayan ang paglabag nito.

Idiniin din ni Campogan na hindi sila basta-bastang nagsasagawa ng operasyon hangga’t hindi “positibo” o kumpirmadong mayroon ngang iligal na aktibidad sa naiturong mga lugar o suspek.

Matapos ang sesyon ay humalili naman ang isang Police Non-Commissioned Officer, Patrol (PAT) Woman, Phoebe G. Corlet upang talakayin ang patungkol sa Online Sexual Abuse of Exploitation of Children (OSAEC).

--

--

No responses yet