Kandidata sa Lakambini 2024 hinimatay
Ulat ni Stephanie Anne Rabe, Ang Siklab
Hinimatay ang isa sa mga kandidata ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) Strand, baitang labindalawa sa panghapong kategorya ng Lakandula at Lakambini 2024, pasado alas-singko ng hapon, ngayong araw sa pagdaraos ng kulminasyon ng Buwan ng Wika sa Brokenshire College Toril (BCT).
Ilang minuto matapos tanghaling Magiliw na Lakambini 2024–ang pangalawang puwesto sa patimpalak — bigla na lamang natumba dulot ng pagkahimatay ang estudyante ng baitang 12 Service na kumalahok bilang pang-anim na kandidata.
Dalawang beses pang natumba ang kandidata dahil sa pagkahilo.
Nakikitaan ng dahilan ang kabigatan at init na dulot ng suot nitong katutubong kasuotan.
Ayon sa kaniyang kaklaseng nakiusap na huwag mailantad ang pangalan, maaaring bunga ito ng pagpapalipas ng kain upang paghandaan ang patimpalak.
“Wala kasi yun (siyang) kain,” pahayag nito.
Madali namang rumesponde ang mga kawani ng paaralan upang dalhin ang estudyante sa empermeriya.
Tumanggi muna ito na paunlakan ang panayam habang ito ay patuloy na nagpapahinga.