BCT, tinambakan ang UM-Guianga sa DAPRISA Games ’24 Basketball tournament

The Spark Publication
2 min readNov 12, 2024

--

Ulat ni Hannah Catan, Ang Siklab

Pinatunayan ng Brokenshire College Toril basketball team ang kanilang lakas at determinasyon matapos naiuwi ang panalo sa unang laro ng DAPRISA Games 2024 basketball tournament, laban sa University of Mindanao — Guianga (UMG), 69–30.

Kuha ni Nyce Gantuangco, Ang Siklab

Ang depensa at mabisang komunikasyon ng BCT ang mabilis na nagdala sa kanila tungo sa panalo.

Ang laro ay pinangunahan ni Lheo Mico Monares na may 14 puntos, sinundan naman ito ni Gian Carlo Grajales na may 11 na puntos, at pumangatlo naman si Nuj Cang Jr na pumuntos ng 9.

Naging mabilis ang BCT sa depensa maging sa opensa na naging dahilan upang hindi magtagumpay ang mga tira ng UMG. Sa anomang pagdidribol at pagsulong ng kalaban ay tagumpay na napigilan ito ng BCT.

Sa kalagitnaan ay tuloy-tuloy ang pinapakitang husay ng mga manlalaro hanggang sa nakamtan nito ang panalo.

Nagtala ang BCT ng puntos na 19 sa unang quarter habang ang kabilang koponan naman ay nagtala ng 9 na puntos.

Sa pangalawang quarter ay nanguna pa rin ang BCT sa puntos na 29–15.

Ipinagpatuloy ng BCT ang paghakot ng mga puntos sa huling round kung saan hawak na nito ang malaking kalamangan sa puntos na 69–30.

Ayon sa captain ng UMG na si Bacayan ay malaki talaga ang pagkukulang nila, sa laro, komunikasyon, maging sa pag-eensayo, ngunit pinapangako nilang sa susunod ay gagawin nila ang lahat upang mapabuti ang paglalaro.

Natapos ang laro nang matiwasay at walang nangyaring hidwaan sa pagitan ng dalawang pangkat.

Inaasahang makakatunggali ng BCT ang Davao Central College (DCC) sa susunod nitong laro.

--

--

No responses yet