BCT, humakot ng medalya sa DAPRISA Games 2024 Tennis Tournament

The Spark Publication
2 min readNov 15, 2024

--

Ulat ni Princess Dianne Kate Trinidad, Ang Siklab

Nag-uwi ng mga medalya ang mga pambato ng Brokenshire College Toril (BCT) sa DAPRISA Games 2024 Tennis Tournament Secondary Boys Singles at Doubles na ginanap sa Toril Tennis Court, Nobyembre 14, 2024.

Kuha ni Marc Rafhael Bautista

Matagumpay na naiuwi nina Edmar Lim Cadinas at John Rey Litang- ang mga natatanging manlalaro ng Tennis Doubles sa DAPRISA Games 2024, ang gintong medalya sa Tennis Secondary Boys — Doubles.

“Proud at masaya kami na kami ang magre-represent para sa darating na DCAA,” ani ni Litang.

Dagdag pa niya, hinahanda na nila ang kanilang sarili para sa darating na DCAA.

Nasungkit naman nina Matt Andrei Villanueva at Liam Kharlo Montecillo ang bronze medal sa Tennis Secondary Boys — Singles matapos nilang matalo laban kina Carl Aaron Saratao ng BCT at Errol Daniel Giducos ng Ananda Marga Special Academic Institution (AMSAI).

Ipinahayag ni Montecillo na nahirapan siya sa huling laro at kailangan niyang pagbutihin ang kanyang footwork at consistency.

Samantala, hindi nagtagumpay si Saratao ng BCT na sungkitin ang gintong medalya matapos humarap kay Giducos ng AMSAI.

Pinasiklab ng dalawang koponan ang laban na nagkaroon ng tie-breaker.

Nagpaulan ng puntos si Saratao sa unang bahagi ng laro, 4–1, na hinabol naman ni Giducos na nagdala sa kanila sa tie-break.

Kapansin-pansin ang sunud-sunod na palyang tira ni Giducos sa unang bahagi ng laro.

Gayunpaman, tinambakan ni Giducos si Saratao sa tie-breaker na nagtapos sa iskor na 1–7 sa pamamagitan ng pagpapaulan ng malalakas na tira na nagpahirap kay Saratao na dumepensa.

Ipinahayag naman ni Saratao na siya ay nanghihinayang ngunit proud pa rin sa naging resulta ng laro.

Bagaman, lalaban pa rin si Saratao para sa DCAA kasama sina Giducos para sa Tennis Secondary Boys — Singles, Cadinas at Litang para sa Tennis Secondary Boys — Doubles, at si Kate Aliyah Salazar para sa Tennis Secondary Girls — Singles.

--

--

No responses yet